Nonito Donaire, aminadong nahirapan sa laban vs Wilfredo Vazquez

SAN ANTONIO, Texas - Matagumpay na nakuha ni Filipino boxer Nonito Donaire (28-1, 18 KOs) ang hinahangad nitong ika-apat na world title, matapos talunin ang former WBO junior featherweight champion na si Wilfredo Vazquez Jr. (21-2-1, 17 KOs).

Sa harap ng mahigit 14,120 fans sa loob ng Alamodome sa San Antonio, Texas kapwa nagpakitang-gilas ang dalawang magigiting na boksingero.

Aminado naman si Donaire na hindi naging madali sa kaniya ang laban lalo't ito ang kauna-unahang pagsabak nito sa 122-pound division.

Sa Round 2, bumagsak pa si Donaire sa pagkakadulas matapos na hindi tumama ang mga suntok nito.

Pero pagsapit ng Round 3, si Vazquez naman ang nadulas.

Sa ika-apat na round, malaki na ang pamamaga sa kanang mata ng Pinoy boxer.

Pero pagsapit ng Round 9, nagawa ni Donaire na pabagsakin si Vazquez.

Batay scorecards, nakuha ni Vazquez ang 115-112 na iskor habang nasungkit naman ni Donaire ang 117-110 at 117-110 para maiuwi ang bagong korona via split decision.

Una rito, hinawakan ng tinaguriang "The Filipino Flash" ang WBC at WBO bantamweight belts, interim WBA super flyweight at IBF flyweight titles.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner

Weather Update

Site Meter