Martirosyan, napanatili ang malinis na rekord; iba pang fight result sa Texas

TEXAS - Napanatili ni WBC silver super welterweight at former Olympian Vanes Martirosyan (32-0, 20 KOs) ang malinis nitong rekord matapos pabagsakin ang 41-anyos na si Troy Lowry (27-12, 15 KOs).

Sa first round pa lamang, isang solid left hook ni Martirosyan ang nagpabasak sa challenger.

Sa Round 2, nagtamo ng malaking sugat sa kaliwang mata si Lowry dahilan para lalong maapektuhan ang performance nito.

Pagsapit ng ikatlong round, muling pinabagsak ng kampeon ang kalaban sa isang straight right hand, dahilan para pumagitna na si referee Laurence Cole at ideklarang tapos na ang laban.

Samantala, tumagal lamang ng hangang Round 6 ang laban nina welterweight Wale Omotoso (21-0, 18 KOs) at Nestor Rosas (9-3, 6 KOs).

Napilitan ang referee na itigil ang laban matapos na tumanggi nang gumati ng suntok si Rosas sa loob ng 55 segundo na pag-atake sa kaniya ng kalaban.

Napanatili naman ni lightweight Ivan Najera (6-0, 6 KOs) ang perfect record nito matapos talunin si David Castillo (2-4, 0 KOs) via TKO.

Sa second round, dalawang beses na pinabagsak ni Najera si Castillo.

Nasungkit naman ni featherweight Ricardo Valencia (1-2-1, 0 KOs) ang kauna-unahang professional victory nito matapos talunin ang former unbeaten na si Jeremy Longoria (3-1, 1 KO).

Nakuha ni Valencia ang panalo via four round unanimous decision.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner

Weather Update

Site Meter