Pacquiao, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ni Maquinto

Nagpaabot ng pakikiramay si Manny Pacquiao sa pamilya ng pumanaw na si Karlo Maquinto, ang boksingerong na-comatose matapos ang tabla na laban, eksaktong isang linggo na ang nakakaraan.

Ayon sa 8-division world champion, maghahain siya ng panukalang batas sa Kongreso na magbibigay proteksiyon sa mga boksingero.

Payo na lamang ni Manny sa mga boksingero, dapat hindi lamang pera ang habol nila kundi isipin din ang pagsasagawa ng matinding ensayo at dagdagan ang panalangin sa Poong Maykapal.

Kung maaalala, kilala si Pacman sa pagiging relihiyoso na palaging nagdarasal bago at pagkatapos ng kanyang laban.

Sa ngayon isa na ring Bible preacher ang boksingerong kongresista.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner

Weather Update

Site Meter