Taga GenSan excited na sa laban ni Donaire at Vasquez

GENERAL SANTOS CITY- Excited na sa ngayon ang mga kamag-anak at mga kababayan ni Nonito Donaire Jr. dito sa General Santos City na mapanood ang laban nito kay Rican Wilfredo Vazquez Jr. sa Alamodome, San Antonio, bukas.

Si Donaire ang sinasabing susunod sa yapak ni Manny Pacquiao ay dating nakatira sa GenSan bago tumulak sa Amerika para tumira sa Los Angeles, California ay pinaniniwalaang mananalo laban sa kaniyang katunggali.

Giit ng mga fans ni Donaire na hindi tatagal sa kamay ng The Filipino Flash si Vazquez dahil ito ang talagang timbang ni Donaire na tinatawag nila dito sa GenSan na si Junjun.

Mas disiplinado, maliksi at malakas sumuntok si Donaire kaya't magtagumpay ito laban sa Puerto Rican boxer.
Una rito ipinangako ni Donaire na gagawin ang lahat para maipanalo ang laban kay Vazquez.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner
Site Meter