You are here: HomeNews UpdateMore NewsPambihirang imahe ng isang rhino habang naka-airlift, sapul sa camera

Pambihirang imahe ng isang rhino habang naka-airlift, sapul sa camera

By  Posted in More News Thursday, 12 January 2017 16:58

Nakunan ng larawan ang pambihirang eksena kung saan ay nasa himpapawid ang isang mabangis na rhino habang inililipat ito ng tirahan.

 

Ang nasabing eksena ay nakunan sa Great Fish River Reserve, South Africa matapos ilipat sa pamamagitan ng Robinson 44 helicopter ang 2,200 pounds herbivore.

 

Ito ay upang mailayo sa ano mang kapahamakan ang nasabing hayop kabilang ang 15 iba pa.

 

Pinupuntirya kasi ng ilang hunters ang naturang uri ng hayop upang kunin ang kanilang mga sungay para gawing sangkap sa gamot bunsod para maubos ang lahi nito.

 

Ayon sa World Wildlife Foundation (WWF), tinatayang nasa 5,000 black rhino na lang ang natitirang buhay sa buong mundo.

Read 81 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.