You are here: HomeNews UpdateMore News12 rebel returnees sa Cagayan, nakuha na ang tulong pinansyal mula sa gov't

12 rebel returnees sa Cagayan, nakuha na ang tulong pinansyal mula sa gov't

By  Bombo Tuguegarao Posted in More News Thursday, 12 January 2017 16:01

TUGUEGARAO CITY - Umaabot sa 12 dating miyembro ng New People's Army (NPA) ang nakatanggap ng tulong pangkabuhayan mula sa Office of the Presidential Adviser on the Peace Process.

 

Nakatanggap ng tig-P65,000 na livelihood assistance ang mga dating NPA members mula sa bayan ng Gonzaga, Aparri, Allacapan, Sta. Teresita, Buguey at Sto. Nino, sa awarding ceremony sa kapitolyo.

 

Sinaksihan ito ng mga opisyal ng Department of Interior and Local Government, Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, at mga opisyal ng pamahalaang panlalawigan ng Cagayan.

 

Sa ilalim ng Comprehensive Local Integration Program, binibigyan ng tulong pinansyal ang mga boluntaryong sumukong kasapi ng NPA para magbagong buhay .

 

Matagal nang nagbalik-loob sa gobyerno ang mga nasabing recipients subalit ngayon lamang naipagkaloob ang tulong pinansiyal matapos na makompleto ang pagproseso sa mga kinakailangang requirements.

 

Layon nito na mahikayat ang iba pang rebelde sa kabundukan na magbalik loob sa pamahalaan para maayos na makasama ang pamilya at masimulan na ang panibagong buhay lalo na ngayon at umuusad ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobierno at Communist Party of the Philippines-NPA-National Democratic Front.

 

Ito ay upang makamtan ang matagal ng hinahangad na kapayapaan.

Read 85 times Last modified on Thursday, 12 January 2017 17:05

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.