You are here: HomeNews UpdateMore NewsFastfood chain sa China, gamit ang 'facial recognition system' para sa orders

Fastfood chain sa China, gamit ang 'facial recognition system' para sa orders

By  Posted in More News Thursday, 12 January 2017 15:18

Kakaiba ang isitilo ng isang fast food chain sa bansang China kung saan ay ginagamitan nito ng facial-recognition system ang pagkuha ng orders ng kanilang customers.

 

Sa pakikipagkaisa nito sa kumpanyang Baidu, ang katumbas ng Google sa China ay nakaisip ng kakaibang pamamaraan ang KFC.

 

Haharap lamang ang customer sa kanilang customer face recognition screen ay malalaman na agad umano ng system ang nais i-order ng bumibili base sa mood, edad at kasarian nito.

 

May kakayahan din daw ito na matandaan ang order history ng lahat ng mga nanggaling na sa nasabing kainan.

 

Patok ang nasabing pakulo ng food chain sa kanilang mga parokyano kung kaya't pinag-iispan na ng management na lagyan na rin ng parehong sistema ang iba pa nilang branches. (mirror.co.uk)

Read 84 times Last modified on Thursday, 12 January 2017 15:34

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.