You are here: HomeNews UpdateMore NewsTricycle driver binaril-patay habang naghihintay ng pasahero

Tricycle driver binaril-patay habang naghihintay ng pasahero

By  Bombo Dagupan Posted in More News Thursday, 12 January 2017 09:13

DAGUPAN CITY - Binaril-patay ang isang tricycle driver habang ito ay naghihintay ng pasahero sa harapan ng isang paaralan sa bayan ng Pozorrubio sa lalawigan ng Pangasinan.

 

Nagtamo ng limang tama ng bala sa dibdib ang biktimang na si Jonathan Co matapos barilin ng riding in tandem suspects sa Barangay Poblacion sa nabanggit na bayan.

 

Naisugod pa ito sa pagamutan subalit namatay din.

 

Tinitingnang motibo sa pagpaslang sa biktima ang dating pagkakasangkot nito sa iligal na droga at love triangle.

 

Napag-alamang nakulong na rin ito noon dahil sa iligal na droga.

Read 38 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.