You are here: HomeNews UpdateMore NewsLalaki nabistong sangkot sa droga dahil sa pagnanakaw ng bigas

Lalaki nabistong sangkot sa droga dahil sa pagnanakaw ng bigas

By  Bombo Dagupan Posted in More News Thursday, 12 January 2017 10:12

DAGUPAN CITY - Arestado ang isang lalaki matapos magnakaw ng bigas sa isang rice processing complex sa Barangay Tebag, Santa Barbara, Pangasinan.

 

Nahuli ng guwardyang si Dennis Dacasin ang aktong pagnanakaw ng suspek na si Gerald Jason Estribello, 31.

 

Dahil dito, isinumbong ni Dacasin ang suspek sa kapulisan.

 

Dito napag-alamang bukod sa dalawang sakong bigas na tinangay ng suspek nabisto rin ito sa pag-iingat ng mga drug paraphernalia.

 

Bunsod nito, agad na inaresto ang suspek na kasalukuyan ng nakakulong.

 

Inihahanda na ang kasong kakaharapin nito.

Read 41 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.