You are here: HomeNews UpdateMore NewsShabu at granada narekober sa drug pusher sa Quezon prov.

Shabu at granada narekober sa drug pusher sa Quezon prov.

By  Bombo Naga Posted in More News Thursday, 12 January 2017 15:09

NAGA CITY - Arestado ng mga otoridad ang isang lalaki na hinihinalang tulak ng droga sa isinagawang anti-illegal drug operation ng mga otoridad sa Sariaya, Quezon.

 

Kinilala ang suspek na si Claro Agbuya, 54.

 

Sa nakalap na impormasyon, naglunsad ang mga otoridad ng drug buy bust operation sa Barangay Sto. Cristo sa nasabing bayan.

 

Ngunit kaagad umanong pinaharurot ng suspek ang sinakyan nitong kotse ng mahalata na pulis na ang kanyang katransaksyon.

 

Kaagad naman na nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga otoridad na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek sa Barangay Poblacion sa San Juan, Batangas.

 

Narekober sa suspek ang apat na sachet ng pinaniniwalaang shabu at granada.

 

Nananatili na ngayon sa kostudiya ng mga otoridad ang suspek na nahaharap sa patong-patong na kasong isasampa laban sa kanya.

Read 46 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.