You are here: HomeNews UpdateMore News4 patay sa magkahiwalay na anti-drugs operations sa Metro Manila

4 patay sa magkahiwalay na anti-drugs operations sa Metro Manila

By  Bombo Jovino Galang Posted in More News Thursday, 12 January 2017 07:23

Apat katao ang patay na may kaugnayan sa iligal na droga ang naitala sa iba't ibang bahagi ng Metro Manila.


Napatay dahil daw sa nanlalaban sa mga kapulisan ang mga biktimang sina Nelson Nacion alyas 'Sadam' at Joseph Peralejo, kapwa residente ng Novaliches, Quezon City.


Nakuha sa mga ito ang ilang piraso ng sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu at ang mga baril na ginamit ng mga suspek.


Dalawang lalaki naman na pinaniniwalaang biktima ng 'summary execution' ang itinapon sa Barangay Tambo, Paranaque City.


Kapwa nakabalot ang mga ulo nila ng garbage bag at nakagapos ang mga kamay.


Patuloy pang iniimbestigahan ang mga otoridad ang nasabing pangyayari.

Read 79 times Last modified on Thursday, 12 January 2017 09:28

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.