You are here: HomeNews UpdateMore NewsLatest NewsP100,000 reward money vs gunman na pumatay sa CdeO traffic enforcer

P100,000 reward money vs gunman na pumatay sa CdeO traffic enforcer

By  Bombo Radyo CdeO Posted in Latest News Thursday, 12 January 2017 04:55

CAGAYAN DE ORO CITY - Magbibigay ng reward money si Cagayan de Oro City Mayor Oscar Moreno sinuman ang makakapagturo sa mga responsable sa pagpaslang kay Roads and Traffic Administrator (RTA) enforcer Cris Cabingas.

 

Inihayag ni RTA overseer at pinuno ng Task Force Hapsay Dalan Atty. Egay Uy. malaking tulong ang reward na nagkakahalaga ng P100,000 para sa informant upang matunton ang pinagtataguan ng suspek.

 

Una nang pinangalanan ang gunman na isang si Alex Tiro Musakal at dalawa pang "John Does".

 

Dahil dito, umaasa si Atty. Uy na bibilis ang usad ng kaso sa tulong ng mga karagdagang informants.

 

Unang nabaril sa palengke ng Cogon ang nasabing RTA enforcer at positibong itinuro ng tatlong testigo ang umano'y bumaril sa biktima, noong Disyembre 30.

 

Read 96 times Last modified on Thursday, 12 January 2017 10:54

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.