You are here: HomeNews UpdateMore News4 na barangays sa South Cotabato, drug free na - PDEA

4 na barangays sa South Cotabato, drug free na - PDEA

By  Bombo Radyo Koronadal Posted in More News Thursday, 12 January 2017 04:44

KORONADAL CITY - Umabot sa apat na mga barangays sa bayan ng Surallah, South Cotabato ang idineklarang drug free ng Philippine National Police kasama ang PDEA.

 

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Chief Inspector Joel Fuerte, ang hepe ng Surallah PNP, apat na mga brgy. ang drug free na, na kinabibilangan ng Brgy. Veterans, Brgy. Canahay, Brgy. Little Baguio at Brgy. Duengas ng Surallah, South Cotabato.

 

Ito'y matapos isinagawa ang masusing assessment ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) kung saan sinusuri ng mabuti kung mayroon pang mga personalidad na imbulbado sa iligal na droga.

 

Kaugnay nito nagbibigay din ang BADAC ng certification sa mga lugar na wala nang sangkot sa iliga na droga.

 

Ito ay kasabay pa rin ng mas pinaigting na kampanya laban sa iligal na droga sa South Cotabato.

Read 91 times Last modified on Thursday, 12 January 2017 11:08

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.