You are here: HomeNews UpdateMore NewsBata na nakakita ng pinaniniwalaang aswang sa Iloilo, halos mabaliw na

Bata na nakakita ng pinaniniwalaang aswang sa Iloilo, halos mabaliw na

By  Bombo Radyo Iloilo Posted in More News Tuesday, 10 January 2017 21:56

ILOILO CITY - Halos hindi na mak-usap nang maayos ang labintatlong taong gulang na bata na nakakita ng pinaniniwalaang aswang sa Brgy. Teniente, Tubungan, Iloilo.

 

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo kay Nene na kapatid ng nasabing bata, madalas nilang makita ang kanyang bunsong kapatid na nag iisip ng malalim at hindi makausap ng maayos.

 

Ayon dito, labis na naapektuhan ang bata sa nasaksihan nito na kinakain ng isang babae ang buhay na manok habang nangagahoy ito sa loob ng gubat.

 

Inamin ni Nene na inutusan nito ang kanyang kapatid na kumuha ng mga panggatong sa loob ng gubat ngunit hindi nito inasahan na makaksaksi ng makakapanindig balahibong insidente.

 

Napag-alaman na naglilisik ang mata ng bata ng makita nitong binabalatan ng babaeng mahaba ang buhok na naka high heels ang isang inahin na manok at sinipsip pa nito ang dugo ng manok.

 

Nakakatakot din umano ang mukha ng babae kung saan may sugat pa ito sa braso na pinaniniwalaang tinaga.

Read 145 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.