You are here: HomeNews UpdateMore NewsDalagita na nakitang patay sa by-pass road sa Zambo, nakilala na

Dalagita na nakitang patay sa by-pass road sa Zambo, nakilala na

By  Star FM Zamboanga Posted in More News Saturday, 07 January 2017 15:46

Zamboanga City - Nakilala na ang isang dalagitang nakitang patay sa may by-pass road ng Barangay Lunzuran kahapon Enero 6, 2017.


Nakilala ang biktima na si Erica Jane Calunod Rosal na taga Mampang, 20 taong gulang, nag-aaral sa ZSCMST at kumukuha ng kursong education, base na rin sa salaysay ng mga magulang.

 

Nakilala ang biktima sa suot nitong damit at sapatos.

 

Sa nakalap na impormasyon ng Star FM Zamboanga, ang nasabing dalagita ay humingi ng permiso sa kanyang mga magulang na gumawa ng thesis kasama ang kaniyang mga kaklase sa Barangay ng Baliwasan.

 

Huling nakita si Erica Jane na kasama ang tatlong lalake na patungo sa Barangay Lunzuran at pagka kinabukasan natagpuan na lang itong walang buhay at walang saplot ang pribadong bahagi ng kanyang katawan.


Sa kasalukuyan ay nagsasagawa pa ng malalimang imbestigasyon ang mga otoridad sa pagkakakilanlan ng mga suspek at kung ano pa ang ibang detalye sa nasabing krimen.

Read 233 times Last modified on Saturday, 07 January 2017 15:51

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.