You are here: HomeNews UpdateMore NewsPekeng dentista, hinatulan ng pagkakabilanggo, re: pagkamatay ng pasyente

Pekeng dentista, hinatulan ng pagkakabilanggo, re: pagkamatay ng pasyente

By  Bombo Radyo Bacolod Posted in More News Wednesday, 21 December 2016 22:40

BACOLOD CITY - Makalipas ang dalawang taon ay nakamit na rin ng pamilya ng isang dental patient ang hustisya matapos mamatay ang kanilang kamag-anak sa kamay ng pekeng dentista sa Negros Occidental.

 

Hinatulan na kasi ng pagkakakulong ng dalawang taon ng korte ang salarin na si Diosdado Mahilum, isang faith healer na kasapi ng Philippine Benevolent Missionaries Association sa bayan ng Manapla, Negros Occidental matapos nag-plead guilty sa kasong reckless imprudence resulting to homicide at violation ng R.A 9484 o ang Philippine Dental Act of 2007.

 

Ito ay sinampahan ng kaso ng pamilya ni Jerry Aguirre, 23-anyos matapos namatay ang naturang pasyente ilang araw matapos itong nagpabunot ng limang ngipin kay Mahilum.

 

Napag-alaman na matapos nagpabunot ay hindi na tumigil ang pagdurugo kahit uminom na ito ng gamot.

 

Batay sa death certificate ay namatay si Aguiree dahil sa septic embolism secondary to dental foci.

 

Ang pamilya ay tinulungan naman ng Philippine Dental Association-Negros Occidental Chapter sa pagsasampa ng naturang kaso.

 

Read 156 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.