You are here: HomeNews UpdateMore NewsP24-M, inilaan para sa Myanmar at China trips ni PNoy

P24-M, inilaan para sa Myanmar at China trips ni PNoy

By  Posted in More News Sunday, 09 November 2014 14:02

Nasa P24 million ang gagastusin ng pamahalaan para sa pagdalo ni Pangulong Noynoy Aquino sa Asia-Pacific Economic Cooperation-Economic Leaders' meeting at Association of Southeast Asian Nations summit.

 

Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr., mismong si Executive Secretary Paquito Ochoa Jr, ang nagsabi na gugugol ang pamahalaan ng P24 million sa pagdalo ng Pangulo sa dalawang mahalagang pulong pangrehiyon ng APEC sa China, at ASEAN sa Myanmar mula Nobyembre 10 hanggang Nobyembre 13, 2014.

 

Kabilang sa delegasyon ng Pangulong Aquino ay sina Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, Trade Secretary Gregory Domingo, Finance Secretary Cesar Purisima, Socio Economic Planning Secretary Arsenio Balisacan, Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, Assistant Secretary Susan Arnaiz, Presidential Management Staff Chief Julia Andrea Abad at Presidential Protocol Chief Celia Anna Feria.

 

Sina Cabinet Secretary Jose Rene Almendras at Coloma ay hahabol na lamang sa Myanmar para sa ASEAN Summit.

 

 

Read 372 times Last modified on Sunday, 09 November 2014 15:09

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.