You are here: HomeNews UpdateMore NewsIlang residente naalarma na sa paglala ng tensyon sa Zamboanga

Ilang residente naalarma na sa paglala ng tensyon sa Zamboanga

By  Bombo Koronadal Posted in More News Friday, 13 September 2013 23:26

KORONADAL CITY - Lumalala pa umano ang sitwasyon sa Zamboanga City.

 

Ito ang inihayag ni Joy Narawi residente ng nasabing lugar.

 

Ayon kay Joy, nangyari na naman ang mga sunog may dalawang kilometro lamang ang kalayuan sa kanyang tinitirhan.

 

Dagdag pa nito, kumalat na rin daw ang kaguluhan sa anim na mga barangay na okupado ng mga militar at MNLF.

 

Patuloy din umano na naririnig ang mga putok at kulang na rin sila ng mga makakain at tubig.

 

Samantala inhayag din nito na mayroon lamang silang tatlo hanggang apat na oras na tulog dahil kinakailangang maging vigilante.

 

Sa kabilang dako wala umanong palitan ng putok sa tuwing gabi dahil pinuputulan ng linya ng koryente ang mga lugar na inookopa ng mga MNLF dahilan para magdilim ang area.

Read 134 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email:  This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.