You are here: HomeNews UpdateMore News11-anyos na dalagita natagpuang hubo't hubad at wala buhay; binagsakan ng bato

11-anyos na dalagita natagpuang hubo't hubad at wala buhay; binagsakan ng bato

By  Posted in More News Tuesday, 13 August 2013 00:06
NAGA CITY – Pinaglalamayan na ngayon ang 11-anyos na batang babae matapos matagpuang hubo't hubaad at wala ng buhay.
 
Napag-alaman na araw ng Sabado nang may magbigay-alam sa Buenavista Municipal Police Station hinggil sa nakitang bangkay ng bata sa abandonadong bahay kubo sa Barangay Mabutag sa naturang bayan.
 
Agad naman umanong pinuntahan ng mga tauhan ng Buenavista MPS ang lugar upang beripikahin ang nakarating na impormasyon sa kanila.
 
Dito na nakita ang bangkay ng hindi na pinangalanan pang biktima na nakahubad katabi ang isang malaking bato na may bigat ng hindi aabot sa 30 kilo.
 
Pinaniniwalaang binagsakan ng malaking bato sa ulo ang biktima ng hindi pa matukoy na suspek habang palaisipan din kung hinalay muna ang biktima bago ito tuluyang pinatay.
 
Hustisya ang isinisigaw ngayon ng pamilya ng biktima.
Read 1055 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.