Ina ng 7-anyos na nakuhang naagnas sa Naga City, umurong sa reklamo

NAGA CITY - Ipinalabas na ng PNP ang resulta ng otopsiya sa labi ng pitong taong gulang na batang naaagnas na nang matagpuan sa lungsod ng Naga.

Ayon kay PO3 Toby Bongon, positibong hinampas ng matigas na bagay sa ulo at batok ang bata na naging sanhi ng kamatayan nito.

Sa panayam naman ng Bombo Radyo Naga kay Police S/Supt. Vicente Marpuri, chief of police ng PNP-Station 1, sinabi nito na nagtataka sila kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin dumudulog sa kanilang himpilan ang ina ng biktima upang pagtibayin ang kaniyang reklamo laban sa pangunahing suspek na si Bryan Belga, mismong live-in partner nito.

Sa ngayon, at large pa rin si Belga habang nailibing na rin ang labi ng naturang bata.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner
Site Meter