Kapitan sa Butuan, suspendido dahil sa dinoktor na tseke

BUTUAN CITY - Suspendido na sa loob ng 30 araw si Pangabugan, Butuan City Brgy. Capt. Amada Melendres, matapos mai-serve sa kanyang tahanan ang preventive suspension na nilagdaan ni Butuan City Mayor Ferdinand Amante Jr., base na rin sa rekomendasyon ng Sangguniang Panlungsod.

Ito'y kaugnay sa pinalitang halaga ng 13 mga tseke na para sana sa mga proyekto ng kanilang barangay.

Nakikipag-ugnayan na ang mayor sa Department of Interior and Local Government o DILG, pati na sa Accounting Office at sa Sangguniang Panlungsod upang mapabilis pa ang kanilang imbestigasyon at matumbok kung kailangan pa bang aksyunan ang katiwaliang ginawa ni Kapitan Melendres.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner
Site Meter