11-anyos aksidenteng nabaril ng airgun ang 17-anyos na dalaga

GENERAL SANTOS CITY - Nakakaranas pa rin ng sakit sa leeg subalit ligtas na sa panganib ang isang dalaga na dinala sa ospital matapos matamaan ng bala ng airgun sa Upper, Mainit, Malungon, Sarangani Province.

Kinilala ang biktima na si Criselda Malik, 17, residente sa naturang lugar.

Ayun sa ama ng biktima na si Bernardo Malik, natagpuan ng kaniyang apo na si alyas Dodong, 11, ang airgun na inilagay sa likurang bahagi ng kanilng dingding.

Hindi namalayan na pinuntirya umano ng apo nito ang airgun sa kaniyang anak at pumutok kaya't natamaan ang biktima sa leeg.

Inamin ng ama ng dalaga na nakalimutan niyang kunin ang bala ng airgun matapos ang plano sanang pamamaril ng mga ibon sa kanilang farm.

Sa ngayon nananatili pa sa pagamutan ang biktima at nagpapagaling na sa natamong sugat.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner
Site Meter