2 lalaki patay sa pamamaril sa isang bayan ng North Cotabato

KORONADAL CITY - Dead on-the-spot ang dalawa katao makaraang pagbabarilin ng di kilalang gunman sa national  highway ng bayan ng Kabacan, North Cotabato.

Riding-in-tandem ang sangkot sa pamamaril sa may kanto ng Tomas Claudio Street at Tandang Sora Street sa Purok Chrislam sa Kabacan.

Kinilala ni Supt. Joseph Semilllano, hepe ng Kabacan PNP, ang mga biktima na sina Andrew Caumbo ng Barangay Tunggol, Kabacan at isang umano kaanak ng mga Montawal sa Montawal, Maguindanao.

Sakay umano ng itim na Yamaha DT 125 na motorsiklo ang dalawa nang pagbabarilin ng mga suspect, gamit ang kalibre .45 na pistol.

Ang mga suspect ay lulan ng Honda XRM na motorsiklo na walang plaka na mabilis na tumakas pagkatapos ng pamamaril.
     
Mabilis na isinugod sa Kabacan Polymedic Hospital ang mga biktima, subalit idineklarang dead on arrival ang isa sa mga ito.

Si Caumbo ay nasawi habang ginagamot sa ospital.

Sa ngayon, inatasan na ni Kabacan Mayor George Tan ang mga pulisya sa magsagawa ng manhunt operation upang maaresto ang mga responsible.

Ito na ang ikalawang kaso ng pamamaril na naitala sa bayan ngayong taon.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner
Site Meter