Cafgu na adik, huli sa entrapment

GENERAL SANTOS CITY - Nahuli sa entrapment operation ng public safety battalion ng General Santos City Police Office sa pangunguna ni P/Supt. Jessie Ramos ang kilalang distributor ng illegal na droga na galing sa Cotabato City.

Kinilala ni Ramos, commanding officer nga public safety battalion, ang suspek na si Muhammad Gampong, nasa hustong gulang na residente ng Litanville Subdivision, Barangay Sinawal ng naturang lungsod.

Nasamsam ng otoridad ang shabu na may street value na P300,000.

Nahuli rin ang pito pang kasamahan ng suspek na nagpakilalang active member ng Citizens Armed Forces geographical Unit (CAFGU) ng 38th Infantry Battalion na nakabasi sa Cotabato City.

Unang kinumpirma ni Gampong na galing sa Cotabato City ang nasabing droga na hinahatid mismo sa bahay nito.

Hanggang sa ngayon iniimbestigahan pa rin ang pito pang kasamahan ni Gampong na matagal nang minamanmanan dahil sa pagtulak ng illegal na droga.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner
Site Meter