Mga turista todo-enjoy sa sobrang lamig sa Baguio

BAGUIO CITY -- Todo enjoy ngayon ang ilang turista sa tindi ng lamig sa summer capital of the Philippines.

Itoy matapos bumagsak sa 10.4 degrees Celsius ang lamig sa City of Pines nitong madalin araw, base na rin sa ulat ng Pagasa.

Ito na ang pinakamalamig na temperatura na naramdaman sa lungsod ng Baguio sa pagsisimula ng taong 2012, at posible pang titindi ito sa mga susunod na araw.

Marami ngayong turista at bakasyunista ang nasisiyahan sa pag-akyat sa lungsod, hindi lang dahil sa mga magagandang tanawin kundi sa malamig na panahon.

Sa ngayon ay maraming  mga bisita ang umaakyat sa lungsod ng Baguio kasabay na rin ng pagsisimula ng isang buwang selebrasyon ng Panagbenga o Baguio Floweer Feestival 2012.

Una rito, ilang pananim na gulay at bulaklak ang naapektuhan ng forst sa ibat-ibang bahagi ng lalawigan ng Benguet dahil sa pagbaba ng temperatura.

Matatandaang ang pinakamababang temperatura na naitala sa City of Pines ay umabot sa 6.3 degrees Celsius noong 1961.


More News:

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner
Site Meter