You are here: HomeNews UpdateLatest NewsMga nahukay na kalansay sa Islamic Ctr sa Manila, umabot sa 10

Mga nahukay na kalansay sa Islamic Ctr sa Manila, umabot sa 10

By  Posted in Latest News Thursday, 12 January 2017 18:43

Nadagdagan pa ang mga kalansay ang nahukay sa isang abandonadong bahay sa Islamic Center sa Quiapo, Manila.


Ayon kay P/S/Insp. Fernildo De Castro, hepe ng homicide section ng Manila Police District, posibleng nasa 10 kalansay ang nakalibing sa nasabing lugar.


Naging pahirapan naman para sa mga otoridad ang pagpasok sa target area dahil ibinaon sa unang palapag ng bahay ang mga labi, kung saan masikip at mabaho umabo rito.


Ayon naman kay Barangay OIC Sultan Yusof Guinto, dating hideout ng mga drug personalities ang nasabing bahay.


May mga kwento pa aniya na hindi na nakakalabas ang mga pumapasok sa lugar, lalo na ang mga may dayo lamang sa Islamic Center.

Read 129 times Last modified on Friday, 13 January 2017 01:38

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.