You are here: HomeNews UpdateLatest NewsBilateral agreement sa pagitan ng gobyerno at NPA, 50-50 ang status

Bilateral agreement sa pagitan ng gobyerno at NPA, 50-50 ang status

By  Bombo Analy Soberano Posted in Latest News Thursday, 12 January 2017 18:21

Tagilid pa ang isinusulong na bilateral ceasefire agreement sa pagitan ng pamahalaan at CPP-NPA-NDF.


Ito ay dahil sa napakaraming demand o kahilingan ang kabilang partido na inayawan mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Nakatakdang mag-resume sa susunod na linggo sa Rome, Italy ang pag-uusap muli sa negotiating table ng government peace panel at National Democratic Front (NDF).


Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana,  batay sa kaniyang pagkaka-alam na mukha namang hindi minamadali ng magkabilang peace panel na mapirmahan ang bilateral ceasefire agreement.


Sinabi din ng kalihim na sa ngayon 50-50 pa ang status ng nasabing kasunduan.


Una ng sinabi ni Lorenzana na kahapon nagpulong sina AFP chief of Staff General Eduardo Anio at OPAPP Secretary Jesus Dureza kaugnay sa mga pwedeng idagdag ng AFP na pwedeng maging bahagi sa pipirmahang kasunduan.


Giit ng kalihim na nais nila na maging bahagi sa kasunduan ng sa gayon mapakinggan naman ang panig at hinaing ng militar.


Pagbibigay-diin ni Lorenzana na sakaling may mapagkasunduan na ay sasailalim pa ito sa mahaba habang proseso.


binigyang-diin muli ng kalihim ang unang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na kung mag collapsed ang ceasefire sa pagitan ng militar at NPA ay tiyak balik sa giyera at ito ang ayaw nilang mangyari.


Ibinunyag din ng kalihim na walang balak o plano si Duterte na palayain ang nasa 20 political prisoner.


Sinabi ni Lorenzana na hindi nila sinabihan ng anupaman ang pangulo ukol sa nasabing isyu.

Read 109 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.