You are here: HomeNews UpdateLatest NewsMga posibleng kalamidad na tatama sa Phl, pinaghahandaan na - Defense chief

Mga posibleng kalamidad na tatama sa Phl, pinaghahandaan na - Defense chief

By  Bombo Anne Soberano Posted in Latest News Thursday, 12 January 2017 18:19

May mga paghahanda ng ginagawa ang pamahalaan sa mga kalamidad na tatama sa bansa sa susunod na anim na buwan.


Ito ay batay sa council meeting ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) na isinagawa sa Kampo Aguinaldo.


Sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na ginawa ang pagpupulong para ganap na mapaghandaan at gumawa ng mga hakbangin para matugunan ang lahat ng pangangailan sa panahon ng kalamidad.


Giit ng kalihim na kailangan na talagang matututukan ng OCD ang mga kaganapan 24 oras kapag may kalamidad.


Kabilang sa mga tinalakay sa pulong ang mga posibleng bagyo na tatama sa bansa sa susunod na anim na buwan, lindol at ang magiging epekto nito.


Inihayag din ni Lorenzana na kanila ding tinalakay ang panukala na itaas na sa department level ang office of civil defense para mas matutukan ang mga dapat gawain sa tuwing may kalamidad.


Aminado si Lorenzana na dahil nasa ilalim pa ng department of national defense ang OCD hindi niya masyadong matutukan ang mga isyu patungkol sa kalamidad dahil may iba pang tinutukan ang DND tulad ng isyu ng pang seguridad ng bansa.


Dagdag pa ng kalihim na isinama na rin sa council bilang member ang DOTR at DICP dahil kailangan din ang kanilang expertise lalo na sa mga ginagawa ng OCD.

Read 91 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.