You are here: HomeNews UpdateLatest NewsKorean nat'l na umano'y biktima ng kidnap for ransom, nagpasaklolo na sa NBI

Korean nat'l na umano'y biktima ng kidnap for ransom, nagpasaklolo na sa NBI

By  Posted in Latest News Thursday, 12 January 2017 18:18

Todo ang panawagan sa mga otoridad ng isang Korean national matapos dukutin sa kanilang bahay sa Angeles, Pampanga ang kanyang asawa Oktubre noong nakaraang taon.

 

Personal na umapela ng tulong si Choi Kyung Jin, 50 asawa ng biktimang si Ick Joo Jee, 54 sa National Bureau of Investigation (NBI) maging sa publiko para matunton ang kinaroroonan ng kanyang asawa na umano'y dinukot ng pito hanggang sa walong lalaki kasama ang isang pulis noon pang October 18, 2016.

 

Sinabi ni Choi na kinuha rin ng mga kidnapper ang kanilang mga alahas, pasaporte niya at ng kanyang anak, pati na ang itim na mamahaling sports utility vehicle na may plakang ABT 1915.

 

Naglaan na rin ng P100,000 si Choi para sa makapagbibigay ng impormasyon kung saan naroroon ang kanyang asawa.

 

Umapela rin si Choi sa Department of Justice (DoJ) para maisampa ang kasong kidnapping at serious illegal detention sa piskalya at maisyuhan sila ng warrant of arrest.
 
Sa ngayon ay nagsasagawa rin ng NBI ng imbestigasyon na ang layunin ay masampahan ng karagdagang reklamo na carnapping at robbery ang mga suspek.

 

Ang pamilya ni Jee ay nakapagbigay na umano ng P5 million mula sa hinihinging P8 million ng mga abductors pero hindi pa rin ito pinapalaya.

 

Kinalaunan ay hinihingan daw ulit si Choi nang karagdagang P4.5 million na hindi na kayang ibigay ng kanilang pamilya.

 

Una nang lumabas ang mga report na nagsagawa ng operasyon ang pulis sa bahay ng biktima pero mariin namang itinanggi ni Atty. Bryan Bantilan, abogado ni Choi, na sangkot si Jee sa anumang operasyon ng iligal na droga.

 

Para naman sa NBI, ang malinaw sa ngayon ay isang kaso ng kidnapping for ransom ang kinasasangkutan ni Jee.

Read 96 times Last modified on Thursday, 12 January 2017 18:27

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.