You are here: HomeNews UpdateLatest NewsSuporta ng Japan sa Mindanao peace and dev't, tuloy - PM Abe

Suporta ng Japan sa Mindanao peace and dev't, tuloy - PM Abe

By  Posted in Latest News Thursday, 12 January 2017 17:52

Tiniyak ngayon ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe ang patuloy na suporta ng Japan sa peace and development sa Mindanao.


Sa kanilang joint statement, sinabi ni Prime Minister Abe na nagsimula na ang pag-aaral para sa urban development at flood control sa Mindanao.


Inihayag naman ni Pangulong Rodrigo Duterte na nananatiling prayoridad ng Pilipinas at Japan ang kapayapaan at kaunlaran sa rehiyon ng Mindanao.


Ayon kay Pangulong Duterte, napatunayan ng isang tunay na partner ang Japan sa hangaring pagkamit ng kapayapaan sa Mindanao, bagay na kanyang ipinagpapasalamat.


"Peace and development in the southern Philippines continue to be a priority for our countries. We both reaffirmed the need to ramp-up efforts to bring just and lasting peace and development in Mindanao. Japan is a proven partner for peace in Mindanao and it will continue to be one. For Japan’s demonstrated and sustained support to bring peace to our people in Mindanao, we are grateful," ani Pangulong Duterte.


Magugunitang isa ang Japan sa mga pangunahing sumusuporta sa peace process sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at Moro Islamic Liberation Front (MILF).


Katunayan, sa Japan pa nagkita sina dating Pangulong Noynoy Aquino at MILF chairman Al-Haj Murad para pag-usapan noon ang pagsusulong ng usapang pangkapayapaan.

Read 73 times Last modified on Thursday, 12 January 2017 18:35

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.