You are here: HomeNews UpdateLatest NewsIlang kalsada sa Baguio, sarado sa Jan. 18 para sa Miss Universe parade

Ilang kalsada sa Baguio, sarado sa Jan. 18 para sa Miss Universe parade

By  Bombo Baguio Posted in Latest News Thursday, 12 January 2017 16:00

BAGUIO CITY – Iniutos na ni Mayor Mauricio Domogan ang Administrative Order No. 4 2017 o ang pagpapasara ng ilang mga pangunahing kalsada sa darating na January 18 sa Baguio City para sa parada ng Miss Universe 2016 candidates.

 

Sa anunsyo ng Office of the Civil Defense Cordillera Administrative Region (OCD-CAR), sarado ang Upper Session Road mula sa Session Road Rotunda gayundin ang mga kalsadang sasakupin ng parada tulad ng Military Cut-Off Road, Loakan Road, at ang dalawang linya ng South Drive Road.

 

Ito ay simula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali.

 

Kasama sa parada sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at ang mga kandidata sa taong ito.

 

Isasakay sila sa mga float na pinalamutian ng mga bulaklak, mula Upper Session Road hanggang sa Baguio Country Club kasama rin ang ilang street dancers sa tatlong kilometrong parade sa nabanggit na petsa.

 

Isa ang Lungsod ng Baguio sa mga napiling destinasyon ng pre-pageant activities bago ang coronation sa January 30 sa MOA arena.

Read 59 times Last modified on Thursday, 12 January 2017 17:21

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.