You are here: HomeNews UpdateLatest News2 DAR execs pinasisibak ng Ombudsman

2 DAR execs pinasisibak ng Ombudsman

By  Bombo Ma. Irmina Fidelis Garcia Posted in Latest News Thursday, 12 January 2017 16:45

Ipinag-utos na ng Office of the Ombudsman ang pagsibak sa dalawang opisyal ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa kanilang serbisyo kaugnay sa pagkakadawit nila sa P900-milyon na Malampaya fund scam.

 

Ayon sa Ombudsman ay napatunayan nilang guilty si Director Teresita Panlilio at Ronald Venancio ng DAR sa kasong grave misconduct.

 

Maliban sa pagsibak sa serbisyo ay hindi na maari pang makahawak ng kahit anumang posisyon ang mga naturang akusado sa gobyerno.

 

Inatasan din ng anti-graft body si Panlilio at Venacio na magbayad ng multa na katumbas sa kanilang isang taong sahod.

 

Ang nabanggit na dalawang opisyal ng DAR ay kabilang sa 25 akusado na nahaharap sa dalawang coutns ng plunder at multiple graft and malversation charges.

 

Nabatid na inakusahan ang mga ito ng pag-divert ng P900 milyon na pondo ng Malampaya na inilaan ng Department of Budget and Management sa DAR noong 2009 sa 12 na bogus na non-government organizations na pinamunuan ng tinaguriang pork barrel queen na si Janet Lim Napoles.

 

Lumabas sa imbestigasyon ng Ombudsman na ginamit ang naturang pondo para sa mga ghost projects at pawang gawa-gawa lamang ang mga agricultural kits at packages na para sana sa mga magsasaka.

Read 98 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.