You are here: HomeNews UpdateLatest NewsMga tauhan ng PNP-HPG, aalalay sa mga Miss U candidates

Mga tauhan ng PNP-HPG, aalalay sa mga Miss U candidates

By  Bombo Analy Soberano Posted in Latest News Thursday, 12 January 2017 15:59

Nakahanda na ang mga tauhan ng PNP-HPG na itinalagang magbigay seguridad at aalalay sa mga kandidata ng Miss Universe Pageant na gaganapin sa bansa.


Ayon kay PSupt. Elizabeth Velasquez, spokesperson ng PNP-HPG na nasa 79 nilang mga tauhan ang itinalaga sa nasabing international event.


Sinabi ni Velasquez na ang mga ito ang in charge sa convoy ng mga Miss Universe candidates.


Upang hindi lumaki ang gastos ng HPG ay bawat lugar na pupuntahan sa mga probinsya ay mga personnel na mula sa kanilang mga regional offices ang naatasan.


Kabilang na dito ang Vigan, Baguio, Batangas, Cebu, Davao at Metro Manila.


Naglaan ang HPG ng mahigit P500,000 na budget para sa gasolina at meal allowance ng kanilang mga tauhan hanggat hindi natatapos ang Miss Universe pageant at hindi nakalalabas ng bansa ang mga kandidata.

Read 51 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.