You are here: HomeNews UpdateLatest NewsPulong ni Duterte sa mga mayors, pag-apela lang ng suporta vs. drugs

Pulong ni Duterte sa mga mayors, pag-apela lang ng suporta vs. drugs

By  Bombo Legazpi Posted in Latest News Thursday, 12 January 2017 15:22

LEGAZPI CITY - Kailangan ang matibay na suporta ng mga alkalde sa mahigpit na kampanya laban sa iligal na droga.

 

Ito umano ang naging tema ng pagpupulong na ipinatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang Palace.

 

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi sa alkalde ng bayan ng Tiwi, Albay na si Mayor Jaime Villanueva, isinalaysay nito ang mga naging pangyayari sa pagpupulong na tumagal ng mahigit isang oras.

 

Kagaya umano ng madalas na makita sa mga telebisyon kapag nagbibigay ng talumpati ang naging mood ng pangulo kung saan hindi naiwasan ang paminsan-minsang pagmumura nito lalo na ng mabanggit ang pangalan ng isang alkalde na hindi na nito pinangalanan sa ere.

 

Narinig din umano ang ilang pagbabanta lalo na sa mga alkalde na posibleng nasa listahan ng mga tinatawag nitong narco-mayors.

 

Samantala, mistulang nabunutan naman ito ng tinik nang makumpirmang walang napagalitan na alkalde sa rehiyong Bicol.

 

Hindi rin umano sabay-sabay ang naging pagkausap ni Duterte sa mga alkalde kung saan by batch umano silang pinapapasok sa meeting place.

 

Tiniyak naman ng opisyal na kaisa sila ng pangulo sa pagsulong ng mahigpit na kampanya upang tuluyan nang masawata ang problema sa ipinagbabawal na gamot.

Read 100 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.