You are here: HomeNews UpdateLatest News230 LGUs sa Bicol, kakasuhan dahil sa open dumpsite issue - DENR

230 LGUs sa Bicol, kakasuhan dahil sa open dumpsite issue - DENR

By  Bombo Legazpi Posted in Latest News Thursday, 12 January 2017 11:20

LEGAZPI CITY - Mahigpit na monitoring at validation ang ipinapatupad ngayon ng Department of Environment and Natural Resources-Environmental Management Bureau (DENR-EMB) sa lahat ng mga local government units (LGUs) sa Bicol kaugnay ng pagpapasasara sa mga open dumpsite alinsunod sa Republic Act 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act.

 

Ayon kay Bombet Lita ng EMB-Bicol, nakatutok umano ang atensyon nila ngayon sa mga gagawing aksyon sa closing and rehabilitation ng mga lugar na ginamit bilang disposal facility.

 

Pagbubunyag pa ni Lita, nakatakda na rin umanong kasuhan ng Environmental Ombudsman ang 230 bayan kaugnay ng hindi pagsunod sa pagpapasara ng mga open dumpsite mula pa ng unang implementasyon nito taong 2006.

 

Aminado naman ang opisyal na hirap ang mga LGUs na makahanap ng lote na pagtatayuan ng sanitary landfill kaalinsabay ng pangangailangan ng malaking pondo para rito na aabutin ng milyong piso.

 

Dadaan din sa mahabang proseso bago maaprubahan ang proposal sa pagtatayo ng isang sanitary landfill sa mapipiling lugar.

 

Bilang solusyon, nananawagan si Lita sa lahat ng gobernador ng mga lalawigan ng Bicol na i-activate ang kanya-kanyang Solid Waste Management Board upang mabuo ang clustered sanitary landfill kung saan magiging isa na lang na pasilidad para sa ilang mga munisipalidad.

 

Maaalalang nauna nang kinasuhan ang limang bayan at lungsod sa Albay kabilang na ang bayan ng Daraga, Tiwi, Guinobatan, Polangui, Camalig at Tabaco City.

Read 36 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.