You are here: HomeNews UpdateLatest News5 kandidata ng Miss Universe, bibisita rin sa Ilocos Norte

5 kandidata ng Miss Universe, bibisita rin sa Ilocos Norte

By  Bombo Laoag Posted in Latest News Thursday, 12 January 2017 14:19

LAOAG CITY – Nakahanda na ang bayan ng Pagudpud sa lalawigan ng Ilocos Norte para sa pagbisita ng mga kandidata ng Miss Universe.

 

Nakapag-usap na ang management ng Hannah's resort at ng gobyerno lokal sa nasabing bayan hinggil sa mga kailangang gawin sa pagbisita ng limang kandidata ng Miss Universe.

 

Tiniyak ni Mayor Marlon Sales sa bayan ng Pagudpud ang seguridad sa lugar para sa pagbisita ng mga nasabing kandidata.

 

Napag-alaman na matapos ang aktibidad ng mga kandidata sa Miss Universe sa lungsod ng Vigan ay may limang kandidata na nangako na bibisita sa lalawigan lalong-lalo na sa nasabing resort sa bayan ng Pagudpud.

Read 77 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.