You are here: HomeNews UpdateLatest News'Aswang' na kumakain ng buhay na manok, 'sumalakay' uli sa isang bayan sa Iloilo

'Aswang' na kumakain ng buhay na manok, 'sumalakay' uli sa isang bayan sa Iloilo

By  Bombo Iloilo Posted in Latest News Thursday, 12 January 2017 10:14

ILOILO CITY - Muli na namang sumalakay ang pinananiniwalaang aswang sa Brgy. Teniente Benito, Tubungan, Iloilo.

 

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo kay Punong Barangay Romeo Tacadao, sinabi nito na may buhay na naman na manok na kinain ang babaeng aswang sa kanilang lugar.


Aniya, may nakita na naman silang mga naiwang balahibo ng manok at mga dugo sa lugar malapit sa unang pinangyarihan ng pambihirang pangyayari.

 

Ayon naman kay Nino Tacsagon, residente ng nasabing lugar, sa matagal na panahon nitong paninirahan sa kanilang bayan, ngayon lang ito nakaranas ng pag-atake ng aswang kung saan nakita mismo ng personal ng kapitbahay nito ang paglapa ng pinaniniwalaang babaeng aswang sa buhay na manok kung saan iniwan lang ang ulo at mga lamang loob nito.

 

Sa ngayon, nababalot ng pangamba ang ilang mga residente at maging ang mga pulis na baka sa susunod, hindi lang manok ang kakaininin ng buhay ng babaeng aswang.

Read 78 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.