You are here: HomeNews UpdateLatest NewsLandslide area umabot na sa 1-Km sa Albay; mga inilikas 'di na pababalikin

Landslide area umabot na sa 1-Km sa Albay; mga inilikas 'di na pababalikin

By  Bombo Legazpi Posted in Latest News Thursday, 12 January 2017 07:05

LEGAZPI CITY - Nakatutok pa rin ang atensyon ngayon ng mga lokal na opisyal sa Brgy. San Roque, Malilipot, Albay sa ipinapatupad na relocation sa 50 pamilya na nasa hazard prone area.

 

Mismong si Punong Barangay Josefina Biñas ang naghayag na hindi na talaga papayagan pang bumalik sa lugar ang naunang 21 pamilya na inilikas kahapon dahil nasa peligro ang kinatatayuan ng mga bahay nito.

 

Paliwanag pa ni Biñas, posible pa umanong madagdagan ang mga evacuees kung magpapatuloy pa ang pagguho ng lupa na base sa huling sukat ay aabot na sa isang kilometro.

 

Mayroon na rin umanong inilaan na lote na bibilhin ng barangay gamit ang P600,000 na pondo mula sa LGU-Malilipot.

 

Samantala, maghahanap na rin umano ng alternatibong ruta dahil hindi rin madaanan ng mga heavy equipment ang kalsada sa lugar resulta ng paghina ng pondasyon ng lupa.

 

Panawagan ngayon ng mga residente ang agarang tulong para sa mga materyales na gagamitin sa pagpapatayo ng mga bahay sa relocation site.

 

Inilikas kahapon ang naturang mga pamilya kaugnay ng pagguho ng saturated ng lupa dahil na rin sa mga naranasang malalakas na pag-ulan sa nakalipas na mga araw.

 

Na-trigger pa ito ng malakas na pagyanig na naramdaman sa Albay na dulot ng magnitude 5.1 na lindol.

Read 31 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.