You are here: HomeNews UpdateLatest NewsWalang terror threat sa Japanese prime minister visit sa Davao - PNP

Walang terror threat sa Japanese prime minister visit sa Davao - PNP

By  Bombo Davao Posted in Latest News Thursday, 12 January 2017 12:16

DAVAO CITY — Walang namo-monitor ang counter-terrorism experts na kahit anong terror threats kasabay sa pagbisita ni Japan Prime Minister Shinzo Abe at sa launching ng ASEAN 2017 Philippine chairmanship.

 

Ayon kay S/Insp. Catherine dela Rey, tagapagsalita ng Davao City Police Office (DCPO), naka-deploy na ang lahat ng kanilang units upang ma-secure ang historic visit ni Abe at ang opening ng ASEAN 2017 sa January 15 sa SMX Convention Center, sa Lanang sa lungsod.

 

Dagdag pa nito, walang nakikita ang mga otoridad na kahit anong indikasyon sa mga posibleng terror attacks.

 

Samantala, mamayang gabi ay lalapag sa Davao International Airport ang punong ministro ng Japan kasama ang kanyang maybahay na si Akie Abe.

 

Bukas, itinakda naman ang pakikipagkita nito kay Pangulong Rodrigo Duterte at mga businessmen sa isang hotel sa Lanang at ganon din sa Japanese-language school na Mindanao Kokusai Daigaku.

 

Inaasahan rin ang pagbisita ni Akie Abe sa Little Tokyo sa Mintal, Davao City.

 

At bukas ng tanghali, lilipad na mula Davao ang nasabing head of state.

 

Dahil sa nasabing mga aktibidad, pinapaalalahanan na ni  Dela Rey ang publiko na umiwas sa mga dadaanan ng convoy upang hindi maipit sa trapiko.

Read 66 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.