You are here: HomeNews UpdateLatest NewsKabayan partylist, nag-sorry sa Ombudsman sa 'irresponsible remarks'

Kabayan partylist, nag-sorry sa Ombudsman sa 'irresponsible remarks'

By  Bombo Dave Vincent Pasit Posted in Latest News Thursday, 12 January 2017 09:47

Humingi ng paumanhin ang Kabayan Party-List sa Office of the Ombudsman dahil sa kanilang "iresponsableng" pahayag umano ng kanilang kinatawan na si Rep. Harry Roque hinggil sa umano'y incompetence ng ilang state lawyers.

 

Naka-address ang nasabing liham na pinadala ng party-list group kay Ombudsman Special Prosecutor Wendell Barreras-Sulit.

 

Sinabi ng partylist sa nasabing liham na nilagdaan ni Joshua Sebastian, secretary-general ng Kabayan party-list, na humihingi sila ng paumanhin sa "irresponsible statement" na ginawa ni Roque sa isang radio interview noong Enero 3.

 

Iginiit din nito na hindi sila parehas ng pananaw sa alegasyon ni Roque na mayroong mga high-profile cases na na-dismiss ng Sandiganbayan dahil ilan daw sa mga state lawyers ng Ombudsman ay maaring incompetent o tumatanggap ng suhol.

 

"We respectfully wish to inform your Honor that such aspersion on the competence or integrity of our Ombudsman lawyers made by Rep. Roque are his personal opinions which do not reflect the sentiments of Kabayan Party-list members and do not bear the imprimatur of Kabayan Party-list," nakasaad sa nasabing liham.

 

Tiniyak naman ng grupo na papaliwanagin nila ang kanilang kinatawan hinggil sa naturang issue.

 

Samantala, sa kanyang Twitter account, sinabi naman ni Roque na wala siyang dapat ihingi ng paumanhin at walang sinuman raw ang awtorisadong humingi ng paumanhin para sa kanya.

 

Tinawag naman din nito na "userpers" ang umano'y nagpapaliwanag para sa kanya at sa kanilang partylist group.

Read 110 times Last modified on Thursday, 12 January 2017 10:11

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.