You are here: HomeNews UpdateLatest NewsLow pressure area, namataan sa silangan ng Mindanao - Pagasa

Low pressure area, namataan sa silangan ng Mindanao - Pagasa

By  Posted in Latest News Thursday, 12 January 2017 06:09

Malabo pang maging bagyo ang namataang low pressure area (LPA) sa silangang bahagi ng Mindanao.


Ayon kay Pagasa forecaster Glaiza Escullar, malakas ang vertical wind shear o hangin na maaaring humarang sa papalapit na LPA.


Huling namataan ang namumuong sama ng panahon sa layong 795 km sa silangan ng Hinatuan, Surigao Del Sur.


Sa pagtaya ng Pagasa, malabo itong maging bagyo sa susunod na 24 na oras.


Samantala, ang malaking bahagi naman ng Luzon ay maaari pa ring magkaroon ng paminsan-minsang buhos ng ulan dahil sa hanging amihan.

Read 319 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.