You are here: HomeNews UpdateLatest NewsBoundary checkpoints, itatalaga sa Ilocos Sur para sa Miss Universe events

Boundary checkpoints, itatalaga sa Ilocos Sur para sa Miss Universe events

By  Bombo Radyo Vigan Posted in Latest News Thursday, 12 January 2017 05:03

VIGAN CITY - Tatlong araw mula ngayon ay matutunghayan na ang pinakahihintay na pagbisita ng ilang Miss Universe candidates sa Ilocos Sur.
 

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay S/Supt. Rey de Peralta, Ilocos Sur Police Provincial Office (ISPPO) provincial director, sinabi nito na magkakaroon ng checkpoints sa lahat ng boundaries ng Ilocos Sur para matiyak na walang makakapasok o manggulo sa malaking pagtitipon.

 

Maliban diyan, dalawang policewomen ang escort o magbabantay sa bawat kandidata upang masiguradong walang magtatangkang saktan ang mga ito.

 
Una nang ipinahayag ni Vigan City Mayor Carlo Singson Medina na magpapatupad ng liquor ban sa araw ng pagdating ng ilang Miss U candidates sa Ilocos Sur.

 

Maliban dito, bawal ding magsombrero, maki-selfie at magdala ng backpack bilang bahagi ng security protocols.

 
Samantala, hinihintay pa lamang ng ISPPO, ang pag-apruba ng pamunuan ng Philippine National Police sa pagpapatupad ng gun ban.

Read 115 times Last modified on Thursday, 12 January 2017 10:39

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.