You are here: HomeNews UpdateLatest NewsSundalong nangidnap at may kasong attempted rape, makakalaya na?

Sundalong nangidnap at may kasong attempted rape, makakalaya na?

By  Bombo Radyo CdeO Posted in Latest News Thursday, 12 January 2017 04:57

CAGAYAN DE ORO CITY - Posibleng mauwi sa pag-aaregalo ang kasong abduction at attempted rape na kinakaharap ng isang kasapi ng 58th Infantry Battalion na nakabase sa Claveria, Misamis Oriental.

 

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Chief Inspector Richie Salva, inihayag nitong hindi na nagpakita muli ang biktima matapos ang unang pagkakataong inireklamo nito ang isang isang Pfc. Klintone Dalid dahil sa tangkang panggagahasa.

 

Nilinaw ni Salva na temporary detained sa kanilang mini-cell si Dalid dahil wala pang kaukulang kasong isinampa laban sa kanya.

 

Hinihintay unamo ng pulisya na matapos ang 36 na oras na palugit sa pagsasampa ng kaso laban sa suspek.

 

Ayon sa ulat ng Carmen Police Station, hindi na umano nagpakita ang biktima matapos mapag-usapan ng dalawang kampo ang posibleng pag-areglo sa kaso.

 

Maliban dito, idenepensa rin ni Salva ang alegasyon na "mala-VIP treatment" sa nasabing sundalo at binanggit ng hepe na hindi na kailangan makulong sa Maharlika Detention cell.

 

Read 115 times Last modified on Thursday, 12 January 2017 10:15

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.