You are here: HomeNews UpdateLatest NewsBabaeng may diperensya sa pag-iisip, tinangay ng lalaking nakilal sa FB

Babaeng may diperensya sa pag-iisip, tinangay ng lalaking nakilal sa FB

By  Bombo Radyo Cauayan Posted in Latest News Thursday, 12 January 2017 04:51

CAUAYAN CITY, Isabela – Nababahala ngayon ang pamilya ng isang babae sa San Mariano, Isabela makaraang tangayin umano ng isang lalaki na nagpakilalang sundalo.

 

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Rogelio de Castro ng Barangay Zone 1, San Mariano, Isabela sinabi niya na hindi pa nakakauwi hanggang ngayon ang kanyang anak na si Jelly de Castro, 21.

 

Ayon kay de Castro, sumama ang kanyang anak sa isang nagngangalang Samuel Dela Cruz na nagpakilalang sundalo at nakatalaga umano sa Mindanao.

 

Sa kanyang kwento, dumalaw sa kanilang bahay si Dela Cruz matapos makilala ang kanyang anak sa pamamagitan lamang ng Facebook.

 

Aniya, lagi niyang pinapayuhan ang anak na huwag magtiwala subalit nabigla sila nang makita ang anak na nakasakay sa motorsiklo ng suspek.

 

Duda siya na sundalo ang lalaki dahil sa kanyang pananamit at natuklasan din na mayroon siyang asawa na nasa ibang bansa.

 

Kinumpirma naman nito na minsan ay parang bata mag-isip ang kanyang nawawalang anak.

 

Read 99 times Last modified on Thursday, 12 January 2017 10:59

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.