You are here: HomeNews UpdateLatest NewsPhivolcs, pinawi ang kaba ng mga Bikolano sa tsunami kasunod ng 5.1 quake

Phivolcs, pinawi ang kaba ng mga Bikolano sa tsunami kasunod ng 5.1 quake

By  Bombo Radyo Naga Posted in Latest News Wednesday, 11 January 2017 22:26

NAGA CITY - Pinawi ngayon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang pangamba ng mga Bicolano sa naramdamang malakas na lindol sa Bicol region kaninang hapon.

 

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Dr. Ed Laguerta, resident volcanologist ng Phivolcs-Bicol, sinabi nitong wala umanong sinyales ng tsunami sa karagatang sakop ng iba't ibang lalawigan lalo na sa bahagi ng lalawigan ng Catanduanes na naging sentro ng 5.1 magnitude na lindol.

 

Maliban dito, nilinaw din ni Laguerta na isang lindol lamang ang naitala ng Phivolcs ngunit dahil aniya sa pagbabago ng reference point kung kaya ang dating 4.6 magnitude ay naging 5.1 magnitude na.

 

Aniya, initial report lamang ang 4.6 at agad din itong itinaas sa 5.1 matapos aniyang makumpleto ang mga data na kinakailangan sa pagsukat ng lakas ng naturang lindol.

 

Samantala, wala naman aniyang pagbabago sa mga intensities kung saan Intensity IV ang naramdaman sa Virac at Panganiban, Catanduanes gayundin sa Legazpi City, Intensity III sa Daet, Camarines Norte, Sipocot Camarines Sur at Naga City habang Intensity II naman sa Sorsogon City, Sorsogon at Guinayangan, Quezon

 

Sa ngayon inaalam pa ng mga otoridad kung may mga pinsalang iniwan ang naturang lindol.

Read 74 times Last modified on Thursday, 12 January 2017 11:12

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.