You are here: HomeNews UpdateLatest NewsMga negosyante ng Empanada sa Vigan City, umangal matapos pagbawalan na magtinda, Re: Miss U visit

Mga negosyante ng Empanada sa Vigan City, umangal matapos pagbawalan na magtinda, Re: Miss U visit

By  Bombo Radyo Vigan Posted in Latest News Thursday, 12 January 2017 04:24

VIGAN CITY - Umangal ang mga ilang negosyante sa Plaza Burgos, Vigan sa pagbawal muna sa kanila na magtinda dahil sa gaganaping Miss Universe fashion show sa Enero 15.

 

Ang mga apektado ay ang mga nagtitinda ng empanada, sinanglaw at iba pa na ayon sa mga iba ay dito sana sila kikita ng mas malaki dahil sigurado marami ang manonood.

 

Ang mga iba naman ay naiintindigan ang pagbawal muna na magbenta dahil sa seguridad ng mga kandidata lalo na ang empanada area ay sakop ng nasabing plaza.

 

Una nang hiniling ng city government ng Vigan ang temporaryong pagsarado ng mga tindahan sa nasabing lugar sa Linggo matapos irikomenda ito ng mga organizers at PNP para sa ibayong seguridad.

Read 66 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.