You are here: HomeNews UpdateLatest NewsTuguegarao-Solana bridge, planong simulan sa 2018 sa Cagayan

Tuguegarao-Solana bridge, planong simulan sa 2018 sa Cagayan

By  Bombo Radyo Tuguegarao Posted in Latest News Thursday, 12 January 2017 03:19

TUGUEGARAO CITY - Inilatag ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang kanilang proposal sa bagong alternatibong tulay na magdurugtong sa lungsod ng Tuguegarao at sa bayan ng Solana, Cagayan.

 

Ayon kay Alexander Nola, Assistant Regional Director ng DPWH Region 2, papangalanang Tuguegarao-Solana bridge ang planong ipapatayo sa pagitan ng Brgy. Pallua at Brgy. Bagay, Tuguegarao City na kokonekta sa isang Brgy sa bayan ng Solana.

 

May haba itong 1.5 Km. kung saan aabutin ng P1.9 billion ang gagastusin para rito.

 

Layon ng proyekto na mabawasan ang trapiko sa Buntun Bridge papasok at palabas sa Tuguegarao City.

 

Sa ngayon ay hindi pa available ang pondo para masimulan ang nasabing proyekto dahil kasalukuyan pa ang feasibility study dito ng DPWH-central office.

Posible aniya itong masimulan sa taong 2018 oras na maayos na ang pondo.

Read 53 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.