You are here: HomeNews UpdateLatest News3 minero, milagrong nabuhay matapos matabunan ng gumuhong minahan sa kasagsagan ng bagyong Auring

3 minero, milagrong nabuhay matapos matabunan ng gumuhong minahan sa kasagsagan ng bagyong Auring

By  Bombo Radyo Butuan Posted in Latest News Thursday, 12 January 2017 01:18

BUTUAN CITY - Naka-confine ngayon sa Caraga Regional Hospital na nakabase sa Surigao City ang tatlong minero matapos matabunan ng putik nang gumuho ang kanilang tinatrabahuang minahan.

 

Nakilala ang mga biktimang sina Elmar Bastasa, 24, may asawa, residente ng Purok 3, Brgy. Mabini sakop ng Surigao City; Jason Duran, 26, residente ng Purok Avocado, Brgy. Quezon at Alfredo Martinez, 26, binata at residente ng Km. 2, Brgy. Luna ng nasabi ring lungsod.

 

Napag-alamang habang humagupit ang bagyong Auring ay nagtrabaho pa ang mga minero sa bukiring bahagi ng Brgy. Mabini kung kaya't hindi na nakalabas pa nang rumagasa na ang malakas na tubig-baha na nagresulta sa gumuhong minahan.

 

Na-rescue sila ng mga rescuers ng Surigao City matapos ang iilang araw na operasyon.

Read 59 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.