You are here: HomeNews UpdateLatest NewsPNP bumuo ng SITG, para sa kaso ng pinaslang na brgy. captain sa Pangasinan

PNP bumuo ng SITG, para sa kaso ng pinaslang na brgy. captain sa Pangasinan

By  Bombo Radyo Dagupan Posted in Latest News Thursday, 12 January 2017 00:07

DAGUPAN CITY - Bumuo na ng Special Investigation Task Group (SITG) Mejia ang Pangasinan Police Provincial Office para tutukan ang paglutas sa kaso ng pagpatay kay Calaocan Punong Barangay Rolando Mejia sa bayan ng San Nicolas, Pangasinan.

 

Nakatuon ang mga otoridad sa mga nakuhang ebidensiya kabilang ang cellphone na gamit ng kapitan lalo't may kausap ito nang maganap ang pamamaril.

 

Malaking tulong din ang salaysay ng dalawang tumatayong testigo na nakakita sa lalaking sakay ng isang motorsiklo na pumaslang sa opisyal.

 

Nakikipag-ugnayan na rin sila sa pamilya ng biktima upang malaman kung may mga banta na ito sa buhay o kaaway bago ang pangyayari.

 

Una rito tinamaan sa dibdib ang barangay kapitan subalit binalikan ito ng suspek at dalawang beses binaril sa ulo.

 

Nabatid na aktibo kontra iligal na droga ang biktima na isa rin sa tinitingnang motibo sa pagpaslang sa kanya.

Read 45 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.