You are here: HomeNews UpdateLatest NewsSSS contribution hike, OK sa employers group

SSS contribution hike, OK sa employers group

By  Bombo Reymund Tinaza Posted in Latest News Thursday, 12 January 2017 02:38

 

Tiniyak ni Employers Confederation of the Philippines (ECOP) President Donald Dee na kakayanin nila ang dagdag na kontribusyon sa Social Security System (SSS) ng kanilang mga empleyado.

 

Magugunitang kaakibat ng pagtataas sa pension ng mga retiradong miyembro ng SSS, tataas naman ng 1.5 percent ang buwanang kontribusyon ng mga aktibong miyembro.

 

Sinabi ni dating Ambassador Dee na wala naman silang natatanggap na reklamo mula sa kanilang mga miyembrong employer.

 

Ayon kay Dee, gagawan nila ng paraan para matustusan ang dagdag kontribusyon sa SSS at pakikinabangan din naman ito ng kanilang mga empleyado.

 

Maliban sa itataas na kontribusyon, paiigtingin din ng SSS ang paghahabol sa mga delingkuwenteng employers na hindi nagbabayad o nagre-remit ng SSS contribution ng kanilang mga manggagawa.

Read 88 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.